Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pahinga muna sa volleyball, John Vic pumasok sa showbiz

0 103

NAKAHANAP ng panibagong tatahaking career ang kasalukuyang team captain ng Philippine men’s volleyball team na si John Vic De Guzman matapos itong pumirma bilang isa sa mga talento sa television network na GMA-7.

“Hindi naman po kasi habang panahon na naglalaro ako ng volleyball at kasama sa national team. Darating din po ang panahon na maraming mas malalakas at magagaling na player na makakapalit sa amin,” sabi ni De Guzman.

Matatandaan na pinamunuan ni De Guzman ang pambansang koponan sa pagtatala sa kasaysayan ng sports na volleyball sa bansa matapos nitong masungkit ang medalyang pilak sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games noong Disyembre.

Prayoridad pa rin naman ni De Guzman ang pagrerepresenta ng bansa sa mga internasyonal na torneo bagaman inaasahan na malilimitahan muna ang panahon nito sa volleyball sa sandaling magkaroon ng mga proyekto sa mundo ng entertainment. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.