Abante Tonite Interactive

Pahinga sa All-Star! Groin injury ni Lillard hindi biro

0 418

Simula na nga ang 69th NBA All-Star Weekend 2020, at hindi na kasali si Portland Trail Blazers star Damian Lillard sa 3-point contest at All-Star Game.

Nagtamo si Lillard ng injury sa kanyang right groin noong laban nila sa Memphis Grizzlies.

Ayon kay Lillard, manonood pa rin siya pero mas mahalaga ang kalusugan kaysa sa All-Star Game.

Talaga namang mahirap isugal ang kalusugan, lalo pa’t nakabitin sa playoff spot ang Trail Blazers.

Kasalukuyang nasa 9th spot ng Western Conference standing ang Blazers na may 25-31 win-loss record.

Last year parehong nagka-groin injury sina Stephen Curry at LeBron James. Si Curry ay nawala ng 11 games habang si Bron naman ay 17 games na ikinapilay ng Los Angeles Lakers, na mula 4th seed ay naging 10th seed sa pagtatapos ng season.

Kung mawawala rin ang star ng Blazers, lalong malulubog ang team at bababa ang tsansa na makapasok sa playoffs.

Ang nasa 8th seed nga­yong Memphis Grizzlies na may 28-26 win-loss record ay na nasa 2 winning streak pa.

Lagpas kalahati na ang nilaro ng Blazers. May pag-asa pa sa playoff spot dahil karamihan sa natitira nilang laro ay nasa mababang seed ang kalaban.
Sa ngayon ay mag-enjoy muna tayo at mamangha sa mga mapapanood sa All-Star break.

***

Congratulations kay Phoenix Suns star Devin Booker, na pumalit kay Lillard sa 3-point contest at All-Star Game.

Tiyak na deserving, si Lillard na rin mismo ang nagsabi na si Booker dapat ang pumalit sa kanya.

Siguradong susungkitin nito ang ASG MVP matapos ma-snub bago ang injury ni Lillard.

***

Kung kayo po ay may reaksiyon o nais itanong, mag-email lang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy ninyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes ng alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!