Abante Tonite Interactive

Pahiyas 2019, dinumog ng 2M turista

0 311

Umabot sa dalawang milyong turista ang dumagsa sa taunang pagdiriwang ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.

Ipinakitang muli ng mga mamamayan ng Lucban ang kanilang galing sa paglalagay ng mga pahiyas sa kanilang mga tahanan.

Ipinagdiriwang ito ng mga taga-Lucba­n ang Pahiyas Festival bilang pasasalamat sa masaganang ani at pagpaparangal kay San Isidro Labrador na patron ng mga magsasaka.

Marami ang lumahok na mga ta-hanan sa paglalagay ng mga pahiyas.

Ilan sa mga tampok sa okasyon ay ang mga makukulay na rice paper na ginawan ng iba’t ibang disenyo. Pinuno rin ng mga gulay, prutas at palay na pahiyas ang mga tahanan na nakaka-engganyo sa mga turista.

Halos walang patid na pagkuha ng larawan at selfie ng mga turista ang g­inawa dahil sa ganda ng mga pahiyas.

Dahil na rin sa tuwa ng mga turist­a ay nahikayat ding kumanta at nagsayawang na animoy nasa isang konsiyerto. Nagkalat din ang mga nagbebenta ng souvenir items at mga pagkain na kilala sa Quezon province.

Lalo pang nagningning ang kulay at ganda ng Pahiyas nang sumapit ang gabi. Binuhay ng makukulay na pailaw ang gabi ng p­ahiyas na talagang mapapa-wow ka sa ganda.

Nakuha sa grand prize ng Pahiyas 2019 ay ang gumaya sa imahe ng pamosong ‘K­amay ni Hesus’ na yari sa sili, labanos, kamatis at palay na makikitang pinaghirapang gawin upang lumutang ang bawat detalye. (Mina Aquino)