Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pahiyas Festival muling nagningning

0 102

Muling binuksan ang taunang Pahiyas Festival ng Lucban, Quezon Province na ipinagdiriwang tuwing May 15 bilang paggunita sa kapistahan ni San Isidro Labrador, patron saint for good harvest, in various ways kabilang sa Agawan Festival sa Sariaya, Mayahon ng Tayabas, at San Isidro Pahiyas Festival.

Dahil sa halos dalawang taong pandemic, hindi muna binuksan sa publiko ang mga madekorasyong gulay na bahay sa Lucban, ang pansitan ng habhab at ang makukulay na kiping-decorated houses at bida pa rin subalit virtual ang kanilang ginawang panghahanda.

At ngayong 2022 ay ipinakita ng pamunuan ng Lucban at ibida muli ang kanilang sikat na turismo na magpapaangat ng ekonomiya ng Lucban.

Related Posts

Bida sa Pahiyas Festival ang mga makukulay na bahay na yari sa kiping, dapat ay sagana sa pagkain, mga prutas at gulay ang bawat bahay na dadaanan ng prusisyon ng San Isidro ay doon sila pipili kung anong bahay ang nagwagi at siyang pinagpala ng grasya.mula sa kanyang santo.

Mayroong mahigit 600 bahay ang sumali sa Pahiyas Festival na magpapakita ng kanilang angking talino sa paglikha ng makulay na bahay na yari sa kiping at nilagyan ng mga dekorasyong halaman, masaganang ani ng gulay at prutas.

Paalala ng Department of Tourism-Calabarzon officer-in-charge Marites Castro, fully booked na ang lahat ng hotels and resorts sa Lucban ng buong Mayo habang ang ilang bisita ay nasa Lucena na nag-stay.

Naitala naman ang nasa 100,000 tourists ang lumahok ngayong taon subalit mababa pa sa 200,000 visitors ng nagdaang 2019 Pahiyas Festival. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.