Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paigtingin pa rin ang pagbabakuna kontra COVID

0 99

Natutuwa ako dahil nitong mga nagdaan araw, patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi tulad na dati na laging lagpas 10,000 kada araw na talaga naman nagbibigay ng pangamba at takot sa ating lahat.

Nitong Lunes, 6,493 ang naitalang kaso at kinabukasan, Martes, 4,494 naman ang kaso, mababa na sa 5,000 na antas. Kahit papaano, nakakahinga na tayo ng maluwag dahil hindi na pumapalo sa 5-digit hindi tulad noong buwan ng September kung saan halos 10,000 plus pataas ang kaso.

Hindi ko makakalimutan noong magkapagtala ang Pilipinas na record-high 26,000 plus cases noong September 11. Nakakapanlumo iyon at nakakatakot dahil kung kelan may bakuna na kontra virus siya namang tumataas ang kaso.

Pero kahapon, Miyerkoles, 3,656 lang ang naitalang kaso. Ito ang pinakamababang kaso na naitala sapul noong July 13. Magandang balita, di ba? Kahit papaano, mababawasan ang pangamba ng lahat dahil ang trend ng virus paba nang pababa.

Lalo pa akong nahimasmasan na ihayag ng OCTA Research na nasa “downward trend” na ang NCR Plus Eight bubble sa gitna na COVID-19 pandemic kung saan ang reproduction ay less than .055 na lamang.

Sa Metro Manila nga, ang reproduction number ay 0.52, mas mababa sa dating 0.55 na naitala noong May, na halos anim na buwan na rin ang nakakaraan.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng taong nahawaan ng isang kaso ng COVID-19. Sabi ng OCTA, kapag ang reproduction number ay mababa sa isa, ibig sabihin nito na ang transmission na virus ay bumaba. Magandang balita ‘yan para sa ating lahat.

Pero hindi tayo dapat magkampate kahit pa-down trend na ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas. Dapat pag-ibayuhin pa rin ang programa sa bakuna kontra virus na ito.

Sa ngayon, mahigit 80% ng target population sa NCR at 18 hanggang 30% naman sa probinsiya ang fully vaccinated na. At sa tingin ko naman tuloy-tuloy pa rin yan dahil walang patid naman ang pagdating nga COVID-19 vaccine.

Target pa na naman ng gobyerno na mabakunahan ang 50% hanggang 70% ng target population ng bansa bago mag-Pasko kaya’t dapat ang ibayong pagsisipak ng gobyero para mabilis ang pagbababakuna kontra COVID-19.

Kasabay ng nito ang pagluluwag pagluluwag ng quarantine restrictions, unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes at mga aktibidad ng ekonomiya, kung kaya’t dapat tuloy-tuloy lang ang programa sa pagbabakuna.

Kung paiigtingin ang vaccination program, hindi lamang makakapagsalba ng mga buhay kundi makatutulong rin para maibsan ang mga lockdown upang mapanumbalik ang mga trabaho at ekonomiya.

Iyan naman ang gusto nating lahat, ang tuluyan nang sugpuin ang virus na ito para naman makabalik na tayo sa normal na pamumuhay, bagay na nawala sa atin sapul nang tumama ito sa bansa o sa buong mundo noona bahagi ng 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.