Abante Tonite Interactive

Paikut-ikot ang mga KAKUTSABA

By
21

MALAKAS ang ugung-ugong kaugnay sa announcement of a not so sikat pero not so La Ocean Deep (kaya we therefore conclude na mediocre) annual indie film festival.

Ayun sa isang impeachable maya, ang film entry na ito ay tinutukan nang husto ng pamunuan dahil pinasulat nila ito sa kasamahan nila na dati ay belong na belong sa pumipili ng finalists.

Ang emote, leave in the name of love ang salarin for this year para may kiye­me latik na hindi masyadong bukelya.

Mapangahas ang nasabing film entry. Ang inspirasyon nito ay isang dulang pantanghalan tungkol sa masasalimuot na relasyon between mga pamhintang maricones at members of the Tung Dynasty na ang favorite dish ay lengua estofada.

Sure bet daw ito na mabibigyan ng grant na milyones kaya minamadaling ipatapos ang script para umabot sa deadline.

Pahayag ni impeachable maya, “Inday sa Balitaw! Kahit ma-late ang submission ni ADHD writer na may lantarang ambisyon na maging jackielou of all trades – kasi, maliban sa pagiging writer, bet din nitong maging actor, bit player, singer, gate crasher and what have you…

“Expect ko na bibigyan ng special treatment ang material niya dahil friends with benefits niya ang members ng komite de festejos and how close are they kamo?

Ka-videoke, ka-nomo-nomo at kumare niya ang lahat ng nasa loob. Dati rin kasi siyang miyembro of the supladitang inampalan.”

Sakaling mabasa nila ito at itanggi nila ang chika ni impeachable maya, how true na may chance na ipo-produce na lang nila outside the festival competition ang dapat na shoot-in na pelikula?

Ang pagtatapos ni impeachable maya, “Kaya nilang paikut-ikutin ang mga desisyon nila, at palit-palitin ang moves at mga taong kinukutsaba nila!”