Abante Tonite Interactive

Painters must-win vs. Star

By
13

Namemeligrong hindi makahabol sa last eight ang Rain or Shine, must-win sila ngayon kontra Star sa Mall of Asia Arena.

Running-ninth ang Elasto Painters (4-6) wala na sa kontensiyon ang Hotshots (2-8).

Sa nightcap ng PBA Governors Cup mamaya sa Mall of Asia Arena, iiwas sa maagang exit ang Rain or Shine.

Last game na sa eliminations ito ng hukbo ni Coach Yeng Guiao, kapag natalo ay mapapagsarhan sa quarterfinals. Pero kapag nanalo, makakahirit ng playoff para sa eighth at last ticket sa next round.

Galing ang Elasto Painters sa two straight defeats.

Kasama ng Star na eliminated na ang GlobalPort (4-7) at Blackwater (1-9).

Samantala, dumating na kahapon si balik-PBA Elijah Millsap para sa paghahanda ng San Miguel Beer sa playoffs.

Si Millsap ang dating reinforcement ng Beermen at naging Best Import ng 2013 Governors Cup. Kaya lang, nasilat ang SMB sa Game 7 laban sa Marqus Blakely-led San Mig Coffee (Star).