Abante Tonite Interactive

Pakain, pa-swimming sa Rodriguez chess

233

Nakatakdang itulak ng Barangay Bagong Silangan Chess Association ang libreng chess tournament, libreng swimming at pakain sa magaganap na 1900 and below Chess Tournament sa Mayo 24 sa Barangay San Jose, Rod­riguez (dating Montalban) sa Rizal.

Layunin ng one-day chessfest ang pagkakaisa ng mga chess player at makatuklas din ng susunod na chess master ng bansa kung saan ang kanilang rating ay hindi lalagpas sa 1900.

Ang nasabing event ay first come, first served basis.

Kamakailan ay na­ging matagumpay rin ang kanilang chess tournament na ginanap sa Quezon City kung saan naging panauhing pandangal si councilor Mikey Belmonte.

Sa mga nais sumali, tumawag o mag-text lang sa mga numerong 0915 491-1417 at 0917-202-1200 para sa dagdag pang mga detalye. (Elech Dawa)