Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pakana ni Willie: Andrea bagong babae ni John Lloyd

0 951

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos mapabalita noon na magbabalik-telebisyon si Kris Aquino, marami ang nag-anticipate na mangyayari ito sa GMA-7 kung saan ang Wowowin host na si Willie Revillame ang posibleng maging padrino.

Anu’t anupaman hindi natuloy ang pagbabalik sa limelight ng dating presidential sister.

Pero ngayon, sa kaso ni John Lloyd Cruz, the comeback is real talaga.

Hindi sa ABS-CBN, kundi sa Kapuso network, mapapanood ang award-winning actor.

Ito ay waring kinumpirma ng GMA-7 sa kanilang Instagram post.

Sa nasabing post, makikitang kasama ni Lloydie ang Wowowin host na si Willie Revillame at Direk Bobot Mortiz.

“Nagkita sina #Wowowin host Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, at ang aktor na si John Lloyd Cruz… At mukhang may dapat abangan soon!” caption ng post.

Usap-usapan na si Willie raw umano ang nagsilbing padrino ni Lloydie sa GMA dahil sa pagtatrabaho niya sa production ng TV host.Magiging guest ang actor sa special event ng isang shopping online na ipapalabas sa Kapuso network.

May tsika rin na magtatambal umano sina JLC at Andrea Torres sa ipoprodyus na sitcom ni Willie.

Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.