Abante Tonite Interactive

Paki-rescue ate ko: Buo-buong dugo umaagos sa sobrang pahirap sa trabaho

268

Sir/Madame,

Respectfully forwar­ding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Cabrera.

Please find additional­ information below sent by the OFW.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona, U-OFW

***

Sir may cellphone number po ate kong si (Jennifer Garnica-Cabrera) kaso lagi raw po hawak madam n’ya cellphone n’ya.

Malapit lang daw po sila nakatira sa Hotat Industrial Park sa Hotat, Bani Tamin isang lungsod sa Saudi Arabia.

Dumating po kapatid ko dito nu’ng April 01, 2016.

‘Yung una pong da­ting n’ya dito pinaghubad po siya ng mga amo n’ya. Three months po isa lang gamit niyang uniform.

Tatlong bahay nililinis niya madami amo, siya lang mag-isa katulong. Iba po ‘yung amo n’ya ngayon kesa sa kontrata n’ya.

Hindi rin po n’ya naha­hawakan suweldo n’ya, tapos sa sobra po pagod at puyat sa trabaho ng kapatid ko ay tatlong beses na po siya nag-nose bleeding.

Nilalabasan na daw po buo-buo ilong n’ya ‘pag nagbe-bleeding daw po siya.

Hindi raw po siya makapagtext at makahingi ng tulong gawa po lagi raw po tinitignan ng madam n’ya cellphone n’ya.

Inihihingi ko po ng tulong ang kapatid ko na sana po ma-rescue po siya.

***

Katuwang ang U-OFW na pinamumunuan­ ni G. John Leonard Monterona ay nanawagan tayo sa AL MUSTAQBAL INTL RECRUITMENT AGENCY, POLO-OWWA RIYADH/AL KHOBAR OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT, OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR na silipin ang lagay ng OFW na si Jennifer Garnica-Cabrera.

Hindi na nagpabanggit ng pangalan ang humihingi ng tulong na kapatid ni Jennifer sa takot na baka maapektuhan pati ang kanyang trabaho sa Saudi.

Ang sa amin sana ay masilip n’yo ang lagay ni Jennifer sa lalong mada­ling panahon upang hindi na lumala sakaling may matinding sakit itong dinaramdam.

Ang Bayani Ka ay makikipag-ugnayan sa mga nabanggit na tanggapan upang maayudahan ang nagpapa-rescue nating kababayan.