Abante Tonite Interactive

Pakikipag-sex araw-araw nakakabata, nakakakinis ng kutis

0 2,260

Alam n’yo bang bukod sa kakaibang ligayang dulot ng pakikipagtalik ay nakakabata pa ito at nakakakinis ng kutis?

Lumabas sa isang pag-aaral sa Scotland na mas babata kang tingnan nang 7-12 taon kung makikipag-sex ka araw-araw.

Ito ay dahil sa nagiging maganda ang daloy o sirkulasyon ng dugo. At sa bawat ­‘orgasm’ ay nakakabuo ng endorphins at growth hormones gaya ng dehydroepiandrosterone o DHEA na mabisang sangkap para maghilom ang mga skin damage. Ang DHEA ay isang hormone mula sa adrenal glands ng katawan.

Malaking tulong din, ayon sa pag-aaral sa Scotland, ang sex daily para bumaba ang blood pressure bukod pa sa nakakatanggal ito ng stress.

Sa bansang Brazil, taong 2010 nang himukin ng kanilang health mi­nister ang pakikipagniig araw-araw bilang sagot na rin kontra high blood.

Sa isang study naman na isinagawa ng Wilkes University sa Pennsylvania ay lumitaw na mas matibay ang resistensya ng mga taong nakikipagtalik
nang isa o dalawang beses sa loob ng isang linggo kumpara sa mga walang hilig sa sex.

Lumalabas na mas mataas umano nang tatlong beses ang immunoglobulin A (itinuturing na major antibody) ng mga sagana sa sex. Ang immunoglobulin ay isang globular na protina na ang kawalan o kakulangan ay malubhang nakakaapekto sa kondisyon ng katawan ng tao.

Nagiging sharp din ang pag-iisip ng mga ‘mahihilig’ dahil sa nakukuhang glucose mula sa dugong dumadaloy sa utak dulot ng pakikipagniig.