Abante Tonite Interactive

Pakikipagkita ni Panelo sa mga Ampatuan kinondena ng Gabriela

437

Kinondena ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang ginawang pakikipagpulong ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pamilya Ampatuan lalo na ngayong malapit nang madesisyunan ang Maguindanao massacre.

Ito ay matapos aminin ni Panelo na nakipagkita siya sa mga miyembro ng Ampatuan clan noong Agosto.

“We strongly hope that it will not be another bastardization of the decade-long cries for justice and accountability,” sabi ni Brosas.

Si Panelo din ang tumayong legal councel ng pamilya Ampatuan kung saan si dating Maguindanao Governon Andal Ampatuan Sr., at anak na si Andal Jr. ang pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa 58 katao noong Nobyembre 2009.

Tatlumpu’t dalawa sa mga biktima ay pawang mga local journalist at media practioner na noo’y dinukot at pinatay habang kasama sa pagpa-file ng candidacy ni Esmael Mangundadatu, na vice mayor ng Buluan town, kung saan makakalaban nito sa gubernatorial election si Andal Jr. para sa 2010 elections.

Nag-aalala si Brosas na maimpluwensyahan ni Panelo para magkaroon ng favorable decision sa panig ng mga Ampatuan.

Binuweltahan nito ang pahayag ni Panelo walang pinapanigan ang Malacañang sa kaso ng Maguindanao massacre case.

“If Malacañang is really not siding with anyone, why host a meeting with two members of the Ampatuans in Malacañang to tackle the assistance in the case that they are seeking? How can it distance from the Maguindanao Massacre case given this admission? “tanong pa ng mambabatas. (JC Cahinhinan)

Bilibid dapat alisan ng WiFi

Irerekomenda ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagputol sa communications system sa New Bilibid Prison (NBP) para matigil na ang mga nagaganap na katiwalian.

Kasunod ito ng ulat na pati ang paggamit ng wifi ay pinagkakakitaan ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa tamang presyo.

Sinabi ni Panelo na kung isa ito sa mga paraan sa paggawa ng mga illegal na aktibidad sa Bbilibid ay mas mainam na tuluyang maalis ito para hindi maging ugat ng katiwalian.

“I will suggest to the President. Di ba ang nagtatanggal ng signal kung sino ‘yung server. ‘Pag tinanggal ‘yan ng Smart saka Globe, eh ‘di wala na. ‘Di ba ganiyan ang ginagawa nila ‘pag mayroong head of state, bigla tayong wala lahat. Sa China, kahit saan kami pumunta ganun eh, nawawala lahat ng signal,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na kung ang paggamit ng wifi at iba pang uri ng komunikasyon ang nakakadagdag sa problema sa NBP ay dapat lamang na alisin para wala ng maperwisyo.

“Kung ‘yun lang ang problema. Kung nakaka-aggravate sa problema, o ‘di tanggalin na lang natin para wala na— kasi kung ‘yan ang nagiging problema, they are using the communication system to commit illegal acts o ‘di might as well remove it,” dagdag ni Panelo.

Sa ginanap na hearing sa Senado, ibinunyag ng isang testigo, maaaring makagamit ng celfon at wifi ang isang preso kung magbabayad ito at ang presyo ay nakadepende sa gagamiting mobile phone.

Tinitiyak naman ni Panelo na mapaparusahan at madi-dismis sa serbisyo ang mga opisyal at tauhan ng BuCor na mapapatunayang sangkot sa mga animalya sa loob ng pambansang piitan. (Aileen Taliping/Dindo Matining/Prince Golez)