Abante Tonite Interactive

Pakilig nina Sharon at Gabby pagselosan kaya ni Sen. Kiko?

By
3,254

NATUTUWA ba o sarcastic ang mensahe ni KC Concepcion sa screenshot ng Instagram profile name ng ama niyang si Gabby Concepcion na nagsasabing pina-follow na nito ang mommy niyang si Sharon Cuneta?

Maging si Sharon ay nagtaka sa comment ni KC sa naturang screenshot photo.

Nakalagay sa post na pina-follow na ni Gabby ang IG account ni Sharon.

“concepiongabby started­ following reallysharoncuneta.”

@itskcconcepcion, “Well played, fam.” Saka niya dinugtungan ng handclapping icon at laughing emoticon, na sinundan niya ng hashtags na #Ne­verInMyWildestDreams @reallysharoncuneta @concepciongabby”.

Natunugan ni Sharon na parang may gustong ipahiwatig ang anak sa mensahe nito.

@reallysharoncuneta, “@itskcconcepcion, well played?”

May laman ang message caption ni KC lalo’t naka-hashtag ang Never In My Wildest Dreams, ang salitang Well Played at ang clapping icon.

Hindi sinagot ni KC ang pagtatanong ng mommy niya, bagkus ang nirepla­yan nitong comment ay ang reaksyon ni Anne Curtis.

@annecurtissmith, “Ang Cute!!!”

Mukha namang walang malisya ang caption ni KC kung ang pagbabasehan ay ang reply message nito kay Anne.

@itskcconcepcion, “@annecurtissmith I got kilig din kasi e. hahaha!”

Bago pa kasi ang “started following” screenshot ni KC sa account ng daddy niya, sunod-sunod na ang posting­ ng mommy niya tungkol sa pagiging mas okey na nila ni Gabby ngayon.

Una, ‘yung photo clip sa unang team-up movie nila na “Dear Heart” (1981) kuha sa tabing dagat na may title caption na “This is only the Beginning.”

Sumunod ay ang throwback photo ni Sharon noong sanggol pa lang si KC na karga-karga niya at nasa frame rin si Gabby. Ang isang larawan sabay pa nilang hinalikan si KC.

Ang pinaka-latest, ay ang throwback baby pictures ni KC kung saan may pahiwatig si Sharon sa magandang kaganapan sa kanila ni Gabby sa mga susunod na araw. (Nag-shoot na sila ng TVC-ED).

@reallysharoncuneta, “Let’s do this, Papa and Mama!!! Soon…very, very, VERY soon!!! Oops!!! My papa and mama said ‘Shhhh, baby girl’ Sowy, papi and mama!”

 Marami ang natuwa sa mga throwback photos na ito ni Sharon noong magkasama pa sila ni Gabby.

May ilan namang nagtatanong kung ano ang nararamdaman ngayon ng mister ng megastar na si Sen. Kiko Pangilinan.

@jayedjanjed, “Mbuti po d nagseselos c sen kiko. Iba nga talaga pag 1st love never die the memories @reallysharoncuneta tm po ba? goodnyt po.

@reallysharoncuneta, “@jayedjanjed, naku super secure si Kiko.  Supportive!”

Patay na director ninong sa baby ni Pokwang

NGAYON lang yata mangyayari sa mundo ng showbiz na ang isang patay ay magiging godparen­t sa isang bibinyagang sanggol.

Posibleng mangyari ito lalo’t nasa mensahe ni Pokwang sa kanyang Instagram account na gusto niyang ituloy ang pinagkasunduan nila ng yumaong comedy director na si Wenn De Ramas.

Pinost ni Pokwang sa kanyang IG wall ang screenshot ng palitan nila ng text messages ni Wenn noong nabubuhay pa ito at malakas pa.

Anniversary nina Pokwang at Lee O’Brian ang rason ng conversation text messages thread nila ni direk Wenn, na binabati nito ang komedyana.

“Wenn V. De Ramas, ‘Eternal Beauty and Kano! Happy Anniversary!!! Sana lagi kayong masaya at pa­yapa!! Dasal ko magsawa na sa inyo ang mga kontrabida! Hahaha’

Sa reply ni Pokwang sinabihan na niya si Direk Wenn sa pagnininong nito sa binyag kapag nanganak siya uli.

“Marietta Subong, ‘Hahahahaha True direktorang pinagpala!! Salamat direk at ninang ka kapag pinagpala ulit kami ng isang cute na sanggol.”

Tinanggap naman ito ni direk Wenn.

“Naman!”

Sa caption ng screenshot, sinabi ni Pokwang na itutuloy niya ang pagnininong ni direk Wenn sa baby nila ni Lee na si Malia. Isa kasi ito sa mga nagdasal na magbigyan siya ng pagkakataon ng Diyos na mabuntis ulit matapos s­iyang makunan.

@itspokwang27, “Two Years ago na miss kita bigla direk Wenn.  Kahit nasa heaven ka na tuloy ang pangako ko sayo na ninang ka ni Malia, isa ka sa nagdasal din after akong makunban last 2015 ay sana magka-baby kami ulit ni Lee. O ayan direk salamat sa dasal mo. I miss and I love you.”

Wala pang detalye sa gagawing binyagan kay Malia pero sigurado na ang pagiging magkumare nina Pokwang at ni Direk Wenn kahit nasa kabilang buhay na ang huli.

Darating o magpaparamdam kaya si direk Wenn sa mismong baptism?

Angelu hindi jobless kahit may diperensya

DEADMA na lang si Angelu De Leon sa mga conscious tungkol sa deformity ng kanyang mata at parte ng bibig dulot ng Bell’s Palsy.

Hindi magpantay ang kanyang mata at bibig kapag iginagalaw niya ang mga ito.

Hindi itinago ni Angelu ang karamdaman at ang social media ang una niyang pinagbalitaan ng kanyang sakit.

Sa panayam namin kay Angelu sa presscon ng  bagong daytime series na The Stepdaughters, naaliw siya dahil sa gitna ng pagkakaroon ng ganitong karamdaman, naging endorser pa siya ng isang non-invasive slimming salon. Nakabalandra sa EDSA ang billboard niya bilang endorser.

Bukod dito, tuloy-tuloy ang TV projects niya kahit hindi pantay ang kanyang mga mata. Gaya na lamang nitong The Stepdaughters na pinagbibidahan nina Megan Young, Katrina Halili at Mikael Daez. Magsisimula ang airing nito sa February 12 sa Kapuso network.

Sabi nga ni Angelu kung hindi at peace ang puso niya kay Jesus Christ baka super bitter siya sa nangyari sa kanya.

Laking pasasalamat ni Angelus a GMA 7 o Kapuso network na hindi nang-iwan sa kanya hanggang sa kasalukuyan.

Kahit raw alam nang mga itong may sakit siya hindi siya tinatantanan na bigyan ng mga projects at mga guestings.