Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pakipot para iwas-kuyog!

0 153

May lumalabas nang mga pangalan mga tropapips na posibleng maging susunod na pangulo ng bansa sa 2022 presidential elections. Pero ‘ni isa kanila eh walang nagsasabing tatakbo nga sila sa naturang posisyon.

Pero bago ‘yan, nanggigigil sa inis ang isa nating kurimaw na kahit hindi naman sundalo eh “army” ang tawag sa sarili bilang fan ng sikat na Korean boy band na BTS.

Ginamit kasi ng isang grupo ng mga kongresista na ayaw sa liderato ni Speaker Lord Alan Velasco ang accronym na BTS sa itinayo nilang grupo bilang kritiko ng lider sa Kamara. Malinaw naman kasing sinakyan lang ng grupo ng mga kongresista ang pagiging sikat ng K-pop group at ginamit pa sa pulitika.

Kaya naman kung ano-anong kahulugan ang inilagay ng “army” sa BTS ng mga kongresista tulad ng Basura, Trapo, Switik, at Bitter Talaga Sila, at iba pang hindi kanais-nais na salita. Sino raw kaya ang nakaisip sa grupo ng mga kongresistang ito na gamitin ang BTS? Sa halip na makatulong, eh nakasama sa tingin ng iba.

Sakabilang banda, kung pa-trending ang misyon, tagumpay ang grupo at napag-usapan sila. Good job pa rin sa nakapag-isip ng propaganda. Iyon nga lang… negatibo dahil milyong-milyong “army” ng tunay na BTS na karamihan eh kabataan ang yamot na yamot ngayon sa kanila.

Balik na tayo mga tropapips sa mga posibleng tumakbong pangulo na papalit kay President Mayor Digong Duterte. Isa malamang sa mga kinaiinggitan ngayon ng mga politiko itong si Yorme Isko Moreno dahil kahit anong posisyon sa 2022 elections [presidente, vice president, senador] eh puwede niyang takbuhan.

Related Posts

Huwag kalimutan

Idol

At hindi lang basta tatakbo–may laban siyang manalo batay sa mga survey.

Pero ang itinuturing “Rockstar” politician ng social media, mas nakatuon ang isip sa pagiging alkalde pa rin ng Maynila lalo pa’t mayroon pa rin problema sa pandemiya.
Gayundin ang sabi ni Davao City Mayor Sara Duterte, na isa rin sa mga nangunguna sa survey sa pagka-pangulo at bise presidente. Hiniling pa nga niya sa mga nagsa-survey na alisin ang pangalan niya sa listahan.

Ang negosyanteng si Ramon Ang, o RSA ng San Miguel Corporation, nagsabi rin na wala siyang balak na pasukin ang politika at ipagpapatuloy pa rin naman ang pagtulong at paggawa ng mga proyekto gaya ng Skyway 3.

Sa totoo lang, mahirap umaming tatakbong pangulo ang isang politiko na malayo pa ang halalan dahil magiging markado na siya sa mga kalaban at hahanapan na ng butas ang bawat galaw niya. Bukod doon, mag-iipon na rin ang mga kalaban ng pambalang panira sa kaniya.

Sa nakaraang mga panguluhang halalan, pawang natalo at maagang pinutakte ng mga banat ang mga nagpakatotoo at maagang nagdeklarang tatakbong pangulo.

At ang mga karaniwang nananalong pangulo, ang mga nagsasabing hindi sila tatakbong pangulo at last-minute kung maghain ng certificate of candidacy tulad ni President Mayor Digong. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.