Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pakistani bomb expert asunto sa BI

0 226

Inihahanda na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation laban sa isang Pakistani na naaresto sa Palawan dahil sa umano’y pagkakaroon ng mga baril at pampasabog.

Inutos ni BI Commissioner Jaime Morente sa kanilang legal division na sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa immigration law ang 29-anyos na si Haroon Bashir, na nadakip August 6, 2020 sa kanyang tinitirhan sa Brgy. San Jose, Puerto Princesa, Palawan.

Ibinunyag ni Morente na may hinala ang pulisya na ang Pakistani ay gumagawa ng bomba, at sasailalim ito sa deportation proceeding dahil sa overstaying at wala ding napakitang pasaporte at anumang travel document.

“A check of his travel record in our database showed that he arrived in the Philippines on 28 April 2013, and that he never left the country since then,” ani Morente.

Batay sa ulat ng regional office ng Philippine National Police sa MIMAROPA Region iniimbestigahan pa rin ang posibleng pagkakasangkot sa mga lokal na grupo ng terorista.

Paliwanag ni Morente, mapapa-deport lamang ang naturang Pakistani sa oras na mahatulan na ito ng korte para ma-blacklist at hindi na muling makapasok sa ‘Pinas. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.