Abante Tonite Interactive

Pakitang gilas si WGR/TRD coach Absalon

0 188

Mula sa unang salang sa nakalipas na taon na DNF (Did Not Finish), astig na rumesbak ang isang coach ng BGC, Taguig-based Wednesday Group of Runners at TRD sa katauhan ni Donato Salde Absalon (kanan).

Kampeon na siya sa ikalawanmg paglahok sa 7th Antique 100-Mile Ultramarathon ng Philippine Association of Ultramarathoner (PAU).

Ginanap ang 160 kilometrong ultramarathon ng dalawang araw nitong Sabado at Linggo, Agosto 24-25 buhat sa San Jose De Buenavista Antique sa nasabing lalawigan hanggang Caticlan,Malay Aklan.

‘Di pa kuntento, anim na araw lang ang pagitan, napabilang naman sa iilang finisher si Absalon sa Crazy Run 24-Hour 2019 sa Intramuros, Manila nitong Sabado, Aug. 31.

Kasama ni Absalon ang kababayan sa event na si ltramarathoner Vicente “Blue” Zapanta, Jr.(RDC)