Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pakner sa P1K `express swab test’ scam, timbog

0 124

Nagbabala si Mayor Isko Moreno sa publiko laban sa mga indibiduwal na sangkot sa pag-aalok ng pekeng `express swab test’ sa Maynila.

Ito’y matapos maaresto ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team ang isang lalaki at babae na hindi na pinangalanan ng alkalde, na nambibiktima umano ng mga taong nais magpa-swab test para makauwi agad sa kanilang probinsya.

Nabiktima umano ng mga suspek ang mga Badjao na nagnanais na umalis sa Metro Manila bumalik na sa kanilang probinsiya.

“Uulitin ko, ang swab test sa Maynila ay libre. Talo inip nga lang kasi mahaba talaga ang pila. Pero libre itong ibinibigay ng pamahalaang lungsod mapaospital, bahay, sa quarantine facility at maging sa Luneta drive-through. ‘Wag maniwala sa tolongges at estapador,” ayon Moreno.

Nabatid na ang lalaking suspek ang `nagdedeliber’ umano ng mga mabibiktima sa babaeng kasabwat. Hinihingian ang bawat biktima ng P1,000 para sa `express swab test’ para makauwi na sila sa probinsya.

Nasamsam sa mga suspek ang mga papel na gamit umano sa pekeng swab test result.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.