Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pakumbaba, paggalang

0 181

Ito ang ilan sa natutunan ko po sa aking mga magulang nang sila’y nabubuhay pa.

Kaya hanggang ngayon baon ay ko pa rin at pinamana ko sa dalawa kong anak na lalaking mga nasa Japan na.

Nakalulungkot lang na may mga kabataan ngayon na parang hindi naturuan ng ama’t ina nila sa dalawang mabuting ugali nating mga Noypi.

Isang halimbawa ang nangyari sa may dalawang buwang hidwaan ng isang star athlete at kanyang national sport association na ceasefice na ngayon. Hindi ko na po tutukuyin dahil alam kong kilala ninyo na sila.

Nagulat ako sa pakikipagsagutan ng manlalaro gamit ang kanyang social media sa kanyang NSA, na ang lider ay isang matino o pinagkakapitagang opisyal sa matagal na panahon. Noon at hanggang ngayon.

Wala ang atleta kundi siya kinuha ng NSA. At hindi niya mararating ang kinalalagyang stardom o kasikatan ngayon kundi siya hinubog. Siyempre hindi lang ng NSA, kasama na rin po ang Philippine Sports Commission.

Ganun na lang kung sagutin ng manlalaro ang opisyal. Na parang tatay na rin niya dahil sa agwat ng edad nila.

Grabe ang kalapastanganan. Kaya maraming atleta ang sumuporta sa pinuno. At giniit nila sa athlete na matuto pa rin tayo laging nakasayad ang mga paa sa lupa kahit nasa puntong magaling na tayo.

Nakakalungkot lang po.

Leave A Reply

Your email address will not be published.