Abante Tonite Interactive

Pakwan ni Louise dumungaw

629

tonite-this-is-it-roldan-castroMainit ang laplapan, walang takot maghubad sina Xian Lim at Louise delos Reyes sa pelikulang “Hanggang Kailan” na showing ngayon.

Siguradong mag-i-enjoy ang mga kalalakihan dahil first time na magpasilip si Louise. Bagama’t pinoproteksyonan ni Xian si Louise sa love scene nila ay hindi maiwasang dumungaw ang side ng pakwan ng aktres. Palaban talaga sa topless si Louise.

Naitawid nina Xian at Louise na silang dalawa lang ang mapapanood sa “Hanggang Kailan”. Kakaibang atake ito bilang “kabit” movie.

Ano ang laban ng dalawang taong relasyon sa 10 taon? Hanggang kailan magtitiis ang number 2? Dapat bang ma-guilty ‘pag pumasok sa buhay ng isang tao na hindi ka na malaya? Guilty rin ba na nag-entertain ka ng isang tao na alam mong hindi ikaw ang original? Magkatulu­yan kaya sila sa ending?

Mapangahas ang pelikulang “Hanggang Kailan” na handog ng Viva Films, BluArt Production, XL8.

Marami ang nagtatanong kung kayang panoorin ni Kim Chiu ang matinding lampungan nina Xian at Louise. Pero bilang aktres ay naiintindihan niyang trabaho lang ang ginagawa ng kanyang boyfriend.

Kahit naman siya ay nagsimula nang gumawa ng maiinit na eksena gaya sa filmfest movie niyang “One Great Love.”
***

Speaking of Kim, sumayaw siya sa Prestige Uncover 2019 event na ginanap kamakailan sa Mall of Asia. Nagpasaya siya kasama sina Arron Villaflor, Greg Hawkins, Ion Perez, Coleen Garcia, Iyah Mina, Wryan Chua, Mr. Fu atbp.

Pasabog talaga ang event ng CEO ng Prestige na si Mannix Carancho at ang PR & Marketing Consultant na si Amanda Salas. Umapaw ang pagkain at mara­ming raffle prizes.

Bukod kina Arron, Ion, Wryan at Greg, endorsers din ng Prestige sina Albie Casiño at Kat­rina Halili.