Abante Tonite Interactive

PAL, CebuPac kulelat pa rin

337

Umayos ang ontime performance (OTP) ng Philippine Airlines at Cebu Paci­fic, dalawang linggo matapos nitong pirma­han ang tinatawag nilang Pledge of Commitment sa Department of Transportation Avia­tion and Airports Sector.

Nasusukat ang OTP ng isang airline sa bilang ng mga flights nito na lumilipad or nagla-lan­ding sa loob ng 15 minuto ng schedule nito, kasama na ang mga kanselasyon. Sa pledge of commitment, nangako ang mga airlines na susuportahan nila ang improvements sa air sector na isinasagawa.

Limang local airlines ang pu­mirma nito kasama ang Manila International Airport Authority, CAAP at CAB.

Ayon sa Department of Transporation (DOTR), inireport sa kanila ni PAL VP for flight ope­rations Stanley Ng na umakyat na sa halos 80% ang OTP ng PAL noong June mula sa 60% nu’ng Abril at ini-report sa kanila ni CebuPac COO Michael Ivan Shaun na umak­yat na rin sa 77% ang OTP nito ngayong July mula sa 60% noong June.

Pinasalamatan ni Transport Secretary Arthur Tugade ang PAL at CebuPac sa kanilang mga ginagawa para gumanda ang kanilang serbisyo.

Gayunpa man, nangulelat pa rin ang PAL sa OTP nito sa domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport at Clark Internatio­nal Airport noong July 10 at na­ngungulelat din ang CebuPac sa internatio­nal flights nito sa Clark at ang domestic at international flights nito sa Davao noong July 10. (Eileen Mencias)