Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAL – Lucio Tan dapa sa P9B lugi

0 276

Kinumpirma ng holding company ng Philippine Airlines (PAL) ang pagkalugi nila ng P9 bilyon dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa indutriya.

Inihayag ito ng kompanya habang bakante pa rin ang dalawang posisyon para sa director ng PAL Holdings Inc. na inatrasan ng mga anak ni Lucio Tan na sina Vivienne K. Tan at half-brother John G. Tan.

Base sa impormasyon, kinumpirma ng PAL ang P9 bilyon o $183.1 milyon lugi nito para sa katapusan ng March 31, 2020, sa annual stockholders meeting kahapon.

Sinisi ng PAL ang lugi nito sa malaking epekto ng COVID-19 pandemic sa industriya. Bida pa ng kompanya, kumita ito ng $37 milyon o P1.8 bilyon noong Enero bago napilitang itigil ang mga international at domestic flight nito simula noong Pebrero.

Sabi ng PAL Holdings, naglagay ng karagdagang kapital ang mga may-ari ng kompanya noong Abril at Mayo at nagsagawa ito ng mga programa para kumita at bumaba ang gastusin habang naghahanda para sa new normal ng air transportation. Para makatipid, hindi muna nito tinatanggap ang delivery ng bagong eroplano at binawasan na ang sweldo ng mga nasa senior management.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang PAL Holdings sa biglaang pag-atras nina Vivienne at ni John G. Tan sa pagiging director ng kompanya ngayong taon at hindi pa rin pinapangalanan ang ibang magiging kandidato sa posisyon. Umatras ang dalawa kasabay ng isa pang independent director na si Mark Chen na agad namang papalitan ni Patrick L. Go. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.