Abante Tonite Interactive

PAL-Lucio Tan hanggang sori na lang

706

Sumabog na sa galit ang isang ex-beauty queen dahil sa kawalang aksyon umano ng Philippine Airlines (PAL) sa kanyang reklamo hinggil sa nayu­ping maleta kahit may tatak pa ito na ‘fragile’ sa tagiliran.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ang yu­ping bahagi ng maleta na nirereklamo ni Bb. Pilipinas 2018 1st runner-up Vickie Rushton.

Ang ikinainis pa ni Rushton ay nangyari ito kahit may naka-label nang ‘fragile’ sa kanyang maleta.

Sabi ni Rushton, Nobyembre 30 nangyari ang insidente at sinabihan siyang mag-e-email ang PAL sa loob ng tatlong araw.

Pero walong araw na ang nakalipas ay hindi pa rin umano niya makontak ang PAL.

“Hi @flypal! Ano na? Sabi niyo within 7 days mag email kayo. Nov. 30 pa to nangyari, Dec 8 na ngayon,” giit ni Rushton.

Batay sa Instagram post ni Rushton hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyari sa kanyang bagahe.

“Last month nawala din luggage ko, ngayon ga­nito. Naka FRAGILE pa yan ha? Kaya pala last na na­man lumabas luggage ko kasi ganito nangyari,” ani Rushton.

“Ilang beses na tinawagan ang number niyo pati ang dalawang number na bago niyo binigay (humi­ngi ako ng ibang number kasi last month nung nawala luggage ko never sila sumagot, wala may nag-assist). Nag-message na ako sa Facebook (kasi mas mabilis sila sumagot doon) saka palang ifoforward concern ko sa office. Ngayon tawag kami nang tawag, wala pa din. Please do something!!! Wag puro “we apologize”. Haaay!” dagdag pa ng ex-beauty queen.
Sumagot naman sa Instagram ni Rushton ang PAL at sinabing “Hi, Vickie. Our sincerest apologies for what happened to your baggage. We have coordinated your concern with our baggage team and they have informed us that they sent an email to you last December 3, 2019. May we know if you were able to receive this?”

Ilang netizen ang nagkomento sa sinapit ni Rushton at binash ang mabagal na aksyon ng PAL.

heyselmon_obod: @flypal sana all nirereplyan nyo. ‘Yung sa akin July 2018 pa nangyari. Hanggang ngayon walang action tong mga tao sa PAL. Pagpapasa-pasahan lang tapos, inescalate na daw pero la pa din nangyari. Inugat na ung reklamo ko, wala pa din silang sagot.