Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAL-Lucio Tan lugi ng P733M sa Kalibo-Boracay ferry

0 608

Binitawan na PAL Holdings Inc. ni Lucio Tan ang ferry service nito na biyaheng Kalibo-Boracay na noong 2019 lamang nag-umpisang maglayag.

Bumili ng dalawang 410-seater na vessel ang Mabuhay Maritime Express Transport Inc. at nagtayo pa ng ferry port terminal sa 120-hectare reclamation project ng Taipan sa Aklan para sa proyekto. Mas mabilis ang biyahe na ito pa Boracay ngunit mas mahal at naniwala noon ang PAL na bebenta ito kahit pa mas mahal.

Ayon sa PAL, 2019 lang nag-umpisang pumalaot ang MMET ngunit 2019 din ito isinara.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mistulang nalaos ang itinaya ng PAL sa bagong ruta pa Boracay na isang oras at kalahati lamang ang biyahe mula sa Kalibo airport ngunit mas mahal ng P1,500 hanggang P2,500 kaysa sa bus. Mas gusto rin ng mga turista na sa Caticlan dumaan papuntang Boracay dahil mas mura , madali at maganda ang tanawin pagsakay ng bangka patungong Boracay.

Ayon sa PAL, P773.7 milyon ang nalugi dito dahil sa MMET noong 2019.

Sabi ng PAL, umutang pa ito noong 2019 ng P813.3 milyon sa bangko para sa financing ng dalawang vessel na binili nito at ang interes ay nasa 5% kada taon. Ang loan ay babayaran quarterly simula January 2020 hanggang 2026 at ang collateral nito ay ang mga vessel mismo. Ang balanse sa utang ng MMET ay nasa P813.3 milyon noong December 31, 2019.

Ang ferry project ay pakulo ng bayaw ni Tan na si Joseph Chua, na director din sa PAL Holdings. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.