Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAL-Lucio Tan P22B ang lugi

0 292

Umabot na sa P22 bilyon ang nalugi sa PAL Holdings Inc. ng bilyonaryong si Lucio Tan noong katapusan ng Hunyo dahil sa pinsalang dala ng COVID-19 at maraming mga airline ang nagtigil ng mga flight.

Bumagsak ang benta o revenue ng PAL holdings sa P35.8 bilyon sa first half ng taon dahil nawalan ito ng mga pasahero matapos magsimulang ikansela ang mga flight noong Marso.

Samantala, nasa P52.2 bilyon naman ang gastos nito kaya ang consolidated net loss ay umabot sa P22 bilyon.

Noong first half ng 2019, lugi na rin ang PAL Holdings at nagtala ito ng comprehensive loss na P3 bilyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa anunisyo ng PAL Holdings sa stock exchange, bumagsak ang benta nito sa mga pasahero sa P29.3 bilyon nitong first half ng taon mula sa P71.1 bilyon noong first half ng 2019.

Hindi malinaw ang plano ng PAL Holdings sa hinaharap.

Noong nakaraang buwan, umatras ang dalawang anak ni Tan sa pagiging director ng PAL Holdings sa hindi malinaw na dahilan.

Inanunsiyo ng PAL Holdings na hindi na kakandidato si Vivienne Tan at John G. Tan bilang director, isang araw bago maghalalan. Kasabay nilang umatras si Mark M. Chen na umayaw sa pagiging independent director ng kompanya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.