Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAL-Lucio Tan sisibakin 4K empleyado

0 82

Tuluyang mawawalan ng trabaho ang nasa 4,000 manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na opisyal nang ipinaabot sa kanya ng mga opisyal ng PAL ang pagsibak sa kanilang mga manggagawa.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Bello, nakipagpulong sa kanya ang mga opisya ng PAL noong Miyerkoles, October 14, at inabiso ang desisyon ng kanilang kompanya.

“I had a meeting with the officers of PAL and they inform me that they will be terminating about three to four thousand of their employees,” ani Bello.

Subalit naibigay na rin umano ng PAL ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado bago sibakin ang mga ito.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.