Abante Tonite Interactive

PAL-Lucio Tan suka ng P1.5B kada buwan

0 381

Kundi dahil sa P15 bilyon ng bilyonaryong si Lucio Tan, matagal nang nalugmok ang Philippine Airlines (PAL).

Ayon kay Gilbert Sta. Maria, ang presidente at chief operating office ng PAL, nalulugi ang kanilang airline company ng P1.5 bilyon kada buwan mula nang ipatupad ang lockdown at travel ban dahil sa COVID-19 pandemic simula noong Marso.

Saad ni Sta. Maria, nasa P50 bilyon na kikitain sana ng PAL mula noong Pebrero ang nawalang parang bula dahil sa health crisis na matinding tinamaan ang transportation industry.

Kung hindi aniya nagpasok ng P15 bilyon si Tan sa PAL malamang na matagal nang nabangkarote ang airline company.

“All airlines are on the brink of bankruptcy because of COVID-19. The 2019 report reflects a financial situation which I picked up when I joined the company last year,” ayon kay Sta. Maria sa panayam sa ANC.

Subalit giniit naman nito na hindi pa delikado ang PAL para maghain ng bankruptcy, kahit pa nawalan ng P18 bilyon sa loob ng huling tatlong taon – P10.2 bilyon dito ay ngayong 2020.

Paliwanag ni Sta. Maria, ang pagbagsak ng performance ng PAL ngayong taon ay dahil lang sa pagbabago sa accounting rules na pagtrato umano sa mga inuupahang aircraft na tila pagmamay-ari ng airline company kaya’t nag-depreciate ang kompanya.

“We have to reflect it as if it were a liability, therefore our losses ballooned, these are non-cash losses,” giit ng PAL official.(Ray Mark Patriarca)

Tonite – Wendys Inhouse Ad