Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAL-Lucio Tan sumirit lugi sa P3.5B

0 168

Umabot na sa $69 milyon o P3.5 bilyon ang lugi o comprehensive net loss ng Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan noong katapusan ng Nobyembre 2021.

Ayon sa isinumite nitong dokumento sa korte sa New York kung saan dininig ang Chapter 11 bankruptcy filing ng PAL, umabot sa $358.2 milyon ang kinita o revenue ng kompanya noong katapusan ng Nobyembre ngunit gumastos ito ng $375.7 milyon at may mga interes sa utang at iba pang mga bayarin na umaabot naman sa $17.5 milyon.

Naghain ang PAL ng Chapter 11 bankruptcy sa New York noong Setyembre dahil bangkarote na ito at hindi na sapat ang mga ari-arian ng kompanya para bayaran lahat ng pinagkakautangan.

Ayon sa isinumiteng dokumento sa korte na pinirmahan ni PAL senior vice president at chief financial officer Nilo Thaddeus Rodriguez, ang total asset o ang halaga ng lahat ng mga ari-arian ng airline ay nasa $4.3 bilyon samantalang ang mga bayarin nito ay umaabot na sa $6.4 bilyon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.