Abante Tonite Interactive

PAL–Lucio Tan tinabla sa P8M tax refund

0 383

Tinabla ng Court of Tax Appeals (CTA) ang walong milyong pisong refund na hinihingi ng Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan sa buwis na binayaran ng kompanya para sa mga panindang sigarilyo at alak ng kanilang commissary operations noong 2014.

Batay sa 24 pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Cielito N. Mindao-Grulla na may petsang Agosto 8, binasura ng CTA Second Division dahil sa kawalan ng merito ang petition for review ng PAL na humihingi ng refund o tax credit certificate na nagkakahalaga ng P8.98 milyon para sa excise tax na kanilang binayaran limang taon na ang nakakaraan.

“Claims for tax refunds are in the nature of tax exemptions, and as such, should be construed strictissimi juris (the strictest letter of the law) against the taxpayers and liberally in favor of the government,” ayon sa korte.

Sa kanilang petisyon, binanggit ng PAL ang Section 13 ng Presidential Decreee 1950 kung saan nakasaad umano ang kanilang exemption sa pagbaba­yad ng lahat ng buwis at iba pang charges sa lahat ng importasyon ng commissary at catering supplies sa transport at non-transport operations.

Noong Agosto 22, 2016, naghain ang PAL sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner ng refund claim para sa binayaran nilang excise tax sa mga sigarilyo at alcohol products ng commissary at catering supplies nito na ginamit sa international flights.

Giit naman ng BIR na out of time na ang PAL nang maghain ng refund claim dahil ang pagbaba­yad ay ginawa nila noong Agosto 22, 2014 pero nag-file sila ng claim noong Agosto 22, 2016. (Juliet de Loza-Cudia)