Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAL maghahatid na ng OFW pa-Saudi

0 291

Sinimulan kahapon ng Philippine Airlines (PAL) na tumanggap ng mga overseas Filipino workers (OFW) para isakay ang mga ito patungong Dammam at Riyadh sa Kingdom of Saudi Arabia.

Ginawa ang desisyon makaraang alisin ng Department of Labor and Employment ang suspensiyon ng deployment ng OFWs patungong Saudi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa PAL, ang mga OFW na hindi nakasakay sa kanilang flights patungong Dammam at Riyadh dahil sa naganap na prohibisyon ay maaaring mag-rebook ng kanilang flight na walang kaukulang bayad.

Ang mga apektadong pasahero ay maaaring tumawag sa PAL reservations (+638855-88-88) para sa rebooking. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.