Abante Tonite Interactive

PAL, PNB panic sa bomb threat

390

Nagpanik at nabulabog ang trabaho ng mga empleyado ng Philippine Airlines (PAL) at Phi­lippine National Bank (PNB) nang makatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng text massage na may sasabog sa loob ng nasabing gusali kahapon nang hapon sa Pasay City.

Sabay-sabay na pinalabas ang nasabing mga empleyado na halos 2 oras tumambay.

Sa pahayag ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng Philippime Airlines, alas-2:10 nang hapon nang makatanggap ng text message ang isang opisyal ng PNB mula sa unknown number at sinabing “ilang minuto na lamang ay may magaganap na pagsabog ngayon araw diyan sa gusali.”

Agad namang ipinagbigay-alam ng pamunuan ng nasabing gusali sa pulisya ang insidente kung saan agad rumesponde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics Unit at Explosives Ordnance Disposal team ng Pasay City Police at District Swat na nagpadala ng mga K9 unit.

Aniya, halos dala­wang oras na hinalughog ang nasabing gusali subalit bandang huli ay negatibo sa anumang uri ng bomba ang PNB-PAL sa Macapagal Avenue, Pasay. (Armida Rico)