Abante Tonite Interactive

Palaboy binoga sa ulo

281

Patay na at nakahandusay nang matagpuan ang isang lalaking palaboy na binaril umano ng hindi pa nakikilalang gunman sa Sta. Barbara Plaza, Bonifacio drive Intramuros, Maynila.

Kinilala ng kaibigan niyang kapwa palaboy ang biktima na si Judy Bermundo, 45, nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo alas-tres nang madaling-araw noong Sabado.

Nalaman kay Emily Baldonado, 62, na huli niyang nakita ang biktima alas-9:00 ng gabi na naghahanda nang matulog sa lugar.

Ayon kay PO1 Camilo Conanan ng Manila Police District-homicide section, isang concerned citizen ang nag-report sa barangay ng patay na biktima.

Nakuha naman malapit sa biktima ang isang basyo ng .45 baril.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa pagpaslang sa biktima.
Dinala ang bangkay sa Archangel funeral para sa awtopsiya at safekeeping.