Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palaboy nabaldog sa kalsada

0 95

Nasawi ang isang hindi pa nakikilalang palaboy matapos na mabaldog ang ulo niya nang mawalan ng balanse, kahapon ng umaga sa isang kalsada sa Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 50 hanggang 60, may taas 5’4” hanggang 5’5”, nakasuot ng kulay gray na t-shirt, kulay asul na camouflage pants, at bonnet na natagpuang walang buhay alas-otso ng umaga sa service road ng Roxas Boulevard.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SMS. Bernardo Cayabyab ng Manila Police District homicide section, nalaman na noong Hulyo 2 ay nakita ni Rusty Ramos, 41, vendor na natumba ang biktima at humampas ang ulo nito sa sementadong kalsada.

Tinulungan niya ang biktima at pinayuhang magpunta sa doktor pero tumanggi ito.

Ilang araw pa ang nakalilipas, malimit umanong magreklamo ang biktima na sumasakit ang kanyang ulo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.