Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palaboy tinumba ng tanod

0 305

Patay ang isang 59-anyos na palaboy matapos barilin ng isang barangay tanod, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni P/SSg. Niño Baladjay ng Manila Police District-homicide section, nakilala ang biktimang si Eduardo Geñoga, taga-Mata St. sa panulukan ng Mapagmahal St., Tondo.

Arestado naman ang suspek na si Cesar Panlaqui, 55-anyos, residente ng Dagupan Ext. at barangay tanod sa Brgy. 156 sa Tondo, sa isinagawang follow-up operation ng MPD-Police Station 7.

Nabatid na naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa panulukan ng Tayuman at Visayas Sts. sa Tondo.

Sa imbestigasyon, magkaangkas sa motorsiklo sina Pat. John Calagos at Pat. Denmark Noche ng CIDG-Quezon City at tumatawid sa Tayuman St. nang makarinig sila ng malakas na putok ng baril.

SM food to go Banner Ad

Agad nilang tinungo ang lugar at nakita nilang nakahandusay at duguang palaboy kaya kaagad nilang ipinaalam ang insidente sa nakakasakop na barangay at sa Tayuman PCP.

Nang magsagawa ng paunang imbestigasyon ang MPD-PS7, lumalabas na may mental illness umano ang biktima.

Dahil sa mga impormasyon ng mga saksi kaya nadakip ang tanod noong Linggo.

Patuloy na isinasailalim sa interogasyon ang suspek habang dinala na sa Cruz Funeral ang biktima para sa awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.