Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palafox iniipit sa SMC Pasig River Expressway project

0 109

Inihayag ng San Miguel Corporation (SMC) na iniipit ang Palafox Associates at Palafox Architecture Group para hindi gawin ang Pasig River Expressway (PAREX) project ng kompanya.

Sabi ng SMC, hindi pa nila pormal na kinukuha ang Palafox para sa PAREX project ngunit madalas silang mag-meeting dahil may iba pa siyang proyekto sa SMC at gusto kuhanin ng kompanya para sa bagong proyekto.

“There is no formal engagement with Arch Palafox, but we have been in discussion, something we have been very clear from the start—that we want him to help us do PAREX right,” sabi ng SMC.

Ayon sa SMC, sinabihan sila ni Palafox na pini-pressure siya at ang kanyang pamilya at mga associate para bitawan ang proyekto.

Naniniwala ang SMC na bahagi ito ng plano ng mga ayaw sa proyekto para sirain ito sa tingin ng mga tao.

Sabi ng SMC, binanggit ni Palafox sa kanilang mga meeting na kailangan dagdagan ang madadaanan sa eastern at western corridor ng Metro Manila para lumuwang ito at hindi manatiling masikip.

Dagdag ng SMC, determinado itong ituloy ang proyekto na hindi pa nagagawa ng kahit anong pribadong kompanya sa bansa, kasama na ang ang paglinis nito ng Pasig River na ginastusan na ng P2 bilyon at ang pinaplanong Bus Rapid Transit system ng PAREX na may bicycle lane at pedestrian walkway pa.

Hindi pinangalanan ng SMC kung sino o anong kompanya o grupo ang naninira sa proyekto. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.