Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palaging kotse ang panaginip

0 63

Ano pong kahulugan ng mga panaginip na tungkol sa sasakyan? Laging ganito ang panaginip ko, pero hindi ko na matandaan kung anong eksaktong nangyari. Ilan lang sa natandaan ko nang konti e minsan nagmamaneho lang daw ako kasama ng pamilya o kaya naman may nanakaw sa sasakyan tsaka ‘yung isa may nakita akong nagbanggaan.

– Janus

Kabilang ang mga sasakyan sa mga pinaka-common na simbolo sa panaginip dahil sa maraming parte ng buhay natin ang gumagamit nito at ng iba pang behikulo o uri ng transportasyon na gumagamit ng motor.

Umaasa tayo sa transportasyon upang makarating sa nais nating puntahan kaya naman hinuhubog ng pagdepende natin sa mga sasakyan ang personal nating paglikha ng kahulugan nito sa ating panaginip.

Kadalasan representasyon ng kotse ang ating sarili at kung paano natin hinaharap ang buhay. Sumisimbolo ito sa ating pisikal na katawan, isipan, ego, personalidad at maging direksyon ng mga goal natin, kasama na rin ating imahe sa lipunan o kung paano tayo nakikilala ng ibang tao.

SM food to go Banner Ad

Kung ikaw ang nagmamaneho ng sasakyan, nangangahulugan ito na mayroon o sinusubukan mo na magkaroon ng kontrol sa sarili mong buhay. Pero kapag nasa passenger seat ka, ibig sabihin passive o hinahayaan mo lang ang mga bagay-bagay na mangyari sa harapan mo.

Sa parte naman na may nakita kang nanakaw sa sasakyan, ipinapakita nito na hindi sumasang-ayon ang mga pangyayari sa iyong plano. Maaaring nawalan ka sa direksyon ng buhay na gusto mong mangyaro at feeling mo, may mga pumipilit sa iyo para mag-iba ang patutunguan mo.

Dapat mong tanungin ang sarili kung hinahayaan mo bang may kontrol sa buhay mo o ikaw mismo ang may hawak ng mga pagpaplano para makamit mo ang iyong goals.

Sinisimbolo naman ng car accident o banggaan na nakita mo ang kalagayan ng iyong emosyon at maaaring indikasyon ito na nakakaranas ka ng anxiety, takot o kaya ay pinipilit mo ang sarili mong gawin ang isang bagay na mahirap.

Sinasabi ng panaginip mong ito na dapat kang mag-slow down at maghinay-hinay sa mga ginagawa mo sa iyong buhay. Mahalaga rin ang pag-assess sa mga plano mo sa buhay at mga aksiyon na ginagawa mo para maabot ito.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.