Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palakasan

0 115

Nakakatuwang masaksihan at maramdaman na ang ating mga Filipino athlete ay patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ating watawat at sa bansang Pilipinas.

Pinakahuli nga si Carlo Biado na nasungkit ang 2021 US Open Championship sa bilyar.

Kahit papaano ay pansamantalang nababawasan ang hinanakit ng marami nating kababayan sa araw-araw na balita tungkol sa katiwalian sa gitna ng pandemic.

Tinutumbok ng Senate investigation ang nakopong p8 bilyong piso mahigit na alokasyon ng Pharmally Pharmacueticals Inc. para sa medical supplies tulad ng PPE, face mask at face shield. 

Sa mga naunang impormasyon na nakalap ng Senado, nasa likod ng kontratang ito ang mga taong malapit kay Pangulong Duterte at kapwa niya taga-Davao City na sina Atty. Christopher Lao, dating head ng PS-DBM at Michael Yang, dating economic adviser.

Sa kabila ng maliit na kapital (P600 libong mahigit) ay nakuha agad-agad ang P8 bilyong mahigit na halaga ng kontrata, habang laging nakaabang ng tulong pinansyal ang ating mga atleta sa gitna ng kanilang training.

Pero sa kabila ng kakulangan ng tulong pinansyal, di sila napigilan para patuloy ba lumaban at magbigay ng karangalan sa lahing kayumamggi sa buong mundo.

Hindi nila binigo ang ating mga kababayan na maipagmalaki ang ating lahi at bansang Pilipinas.

Malaking tulong ito sa mga nawalan ng trabaho at mga naulila dahil sa Covid19 pandemic. Parang pareho-pareho tayong nakatungtong sa ulap sa euphoria na dulot ng kanilang tagumpay.

Marami pa sa ating kababayan ang hanggang ngayon ay patuloy na sumasabak sa iba’t ibang larangan. Isama natin sila sa ating mga panalangin para madagdagan naman ang mabubuting balita na mababasa natin. 

Nakakatawang isipin na ang tagalog ng salitang ‘sports’ ay ‘palakasan’. 

Pero sa gobyerno, ito marahil ang kakaibang ‘palakasan’ na ginamit nina Lao at Yang para makuha amg bilyun-bilyong pisong mula sa kaban ng bayan. Gold medalist talaga sa umano’y iregularidad. 

At mga IGan, narito ang ating mga bayaning Filipino athlete na nagbigay sa atin mga Pilipino ng karangalan;

> Carlo Biado – 2021 US Open Pool Championship 

SM SuperKidsDay Banner Ad

> Hidilyn Diaz – Gold Medalist, 2020 Tokyo Olympics

> Leyla Fernandez (Fil-Canadian) runner-up, US Open for tennis

> EJ Obiena – new Asian pole vault record in Austria.

> Carlo Paalam – Silver Medalist, Boxing, 2020 Tokyo Olympics

> Nesthy Petecio – Silver Medalist, Boxing, 2020 Tokyo Olympics

> Eumir Marcial – Bronze Medalist, 

Boxing, 2020 Tokyo Olympics

> Yuka Sasu – Winner, Golf, U.S. Women’s Open Champion 2021

> Bianca Pagdanganan – Gold Medalist (group category), Golf, 2018 Asian Games and making waves in various tournament

> Miguel Tabuena – Champion , Golf, Idaho Open, Quail Hollow Golf Club in Boise, Idaho 

Maraming salamat sa inyong tagumpay. Maraming salamat sa inspirasyon. Ang inani ninyong karangalan ay resulta ng matinding pagsasanay at disiplina at di tulad ng iba na – laway lang ang naging puhunan.

Dasal namin na bigyan pa kayo ng Panginoon ng tibay ng loob, dagdag na lakas at talino para maiwagayway pa ang bandila ng Pilipinas. 

Walang Personalan. 😎 #pilipinasuna

Leave A Reply

Your email address will not be published.