Abante Tonite Interactive

Palakasin ang katawan, mag-yoga at meditasyon

333

Mga ka-Misteryo, kaliwa’t ­kanan ngayon ang sakit na kuma­kapit sa tao lalu na at may ­‘tigdas outbreak’.

Ang matindi nito, karaniwang madaling tamaan ngayon ng sakit ay mga bata kaya mahalaga na sila ay pabakunahan.

Ngunit, kahit ang mga may edad na ay maaari pa ring tamaan ng tigdas ‘pag wala silang bakuna noong bata pa sila.

Sa pangkalahatan, ang pagkakasakit ng tao ay dulot ng paghina ng resistensiya kaya madaling kapitan ng karamdaman ang katawan. Ito ay dulot din ng hindi tamang pagkain, nutrisyon at ang ma­tindi ay hindi magandang lifestyle tulad ng ­palaging pagpupuyat, at mga bisyo.

Ngayon, kailangan nating baguhin lahat ang ating hindi magandang nakagawian sa buhay. Hindi naman huli ang lahat para mabago ang estilo ng ating pamumuhay.

Isaayos at dapat tama ang ating kinakain, takdang oras (8 oras) ng pagtulog, iwasan na ang masamang bisyo ng alak at sigarilyo, at simulan na ma­ging aktibo ang katawan, mag-ehersisyo, maging aktibo at subukan ang Yoga at Meditasyon.

Marami na sa ngayon – babae man o lalaki, matanda man o bata – ang aktibo sa yoga at meditasyon.
Mayroong 14 na iba’t ibang klase ng yoga kabilang na dito ang Hatha, ­Iyengar, Kundalini, Astanga, Vinyasa, Bikram, Kripalu, Jivamukti, Resto­rative, Prenatal, Anusara, Yin at Hot Yoga.

Ang nasubok ko nang gawin ay Iye­ngar, Vinyasa, Yin at Astanga Yoga. Gayunman, lahat ay may benepisyo sa ating katawan at piliin lamang ang angkop sa inyong kakayanan.

Ang meditasyon ay kaakibat din ng yoga dahil karaniwan bago at pagkatapos ng yoga ay maaari itong gawin. Karaniwan nitong pinalilinaw ang ating isipan, mawala ang mga negatibong kaisipan, at magkaroon ng direksyon ang ating isipan. Ito ay alinsunod sa paniniwala na anumang iniisip mo ay siyang magiging reyalidad sa buhay mo.

Mayroong 7 uri ng meditasyon kabilang na ang Mindfulness, Transcendental, Guided, Vipassana, Metta, Chakra at Yoga Meditation.

Ang mga mas detalyadong benepisyong makukuha natin sa yoga at meditasyon ay makikita na natin sa internet at maaari nating sundin ang mga payo at gabay ng mga eksperto.

Para sa inyong mga suhes­tyon, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com at bisitahin ang aking website: www.reytsibayan.com.