Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo abanger na sa performance report ng Telcos

0 204

Hinihintay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang evaluation report ng National Telecommunications Commission kaugnay sa performance ng telecoms companies sa bansa.

Kasunod ito ng December 31 deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo sa NTC para malaman kung umayos ba ang internet at cellular service ng mga ito matapos mabigyan ng permits para makapagpatayo ng communication towers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naghihintay na ang Presidente sa report ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba kaugnay sa inirereklamong pangit na internet service.

“Hinihintay po ng Office of the President iyong evaluation na ipinangako ninyo po na isumite before end of the year,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na agad maglalabas ng ebalwasyon si Pangulong Duterte sa oras na makarating sa kanya ang NTR report. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.