Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: Anti-terror law armas kontra komunista

0 40

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mabisang armas laban sa mga communist terrorist group ang pinagtibay na Anti-Terrorism Act of 2020.

“It would be easier now really to just… `Yong [law against] terrorism, it’s actually a vehicle for fighting the rebels who are out to destroy the government,” pahayag ng pangulo sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy na inere nitong Biyernes.

Aminado ang pangulo na isang desperadong hakbang na aniya ang anti-terror law para matigil na ang mga rebeldeng komunista sa bansa.

“We are the only country actually fighting insurgency dito sa Asia. Tayo na lang. For 53 years, wala talaga because our legal system sa atin, `yon nga, `yong nasa terrorism law, nakalagay diyan `yong mga bagay-bagay na make it hard for us really to dismantle them,” sabi ng pangulo.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Duterte dahil patuloy aniya ang pakikipaglaban ng mga rebeldeng komunista sa pamahalaan.

Sa ilalim ng anti-terror law, mahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo at walang tsansa na mabigyan ng parole o Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sinomang mapapatunayan na sangkot sa pagpaplano at pagsasanay para magsagawa ng terorismo sa bansa.

Maging ang mga indibiduwal na magbabanta na gagawa ng terorismo o masasangkot sa naturang aktibidad ay maaaring maparusahan ng hanggang 12 taon na pagkabilanggo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.