Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: Balik-ECQ puwedeng ideklara sa Delta variant

0 74

Hindi magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng mas mahigpit na quarantine status sa bansa kung kinakailangang gawin ito sa gitna ng banta ng mabagsik na Delta variant ng COVID-19, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kasabay nito, hinimok ni Roque ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kooperasyon para labanan ang pandemyang dulot ng COVID-19.

“Hindi naman po tayo mag-i-impose ng ECQ (enhanced community quarantine) kung wala pong dahilan,” pahayag ni Roque sa kanyang virtual press briefing nitong Lunes.

“Alam po nating mahirap ang ECQ, pero pinagdaanan po `yan ng NCR Plus 8, isang bagay na hindi naman po pinagdaanan, until now, ng mga probinsya na nadideklara sa ECQ,” ani Roque.

“Mas matagal po `yong ECQ at (modified) ECQ dito sa NCR Plus 8. But, when we have to resort to it under the goal of promoting total health, hindi po mag-aatubili ang ating Presidente,” sabi ng kalihim. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.