Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo bantay sa taas-presyo ng mga pagkain

0 118

Binabantayan ngayon ng Malacañang ang galaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa kasunod ng mabilis na pagtaas ng inflation rate na 5.4% nitong Mayo kumpara sa 4.9% noong Abril.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson na epekto ito ng mataas na presyo ng langis subalit may mga ginagawang hakbang ang pamahalaan para hindi gaanong maramdaman ng inflation tulad ng fuel subsidy sa transport sector.

Bukod sa fuel subsidy, sinabi ng kalihim na mayroon ding ibinibigay na libreng sakay ang gobyerno sa publiko sa ilalim ng service contracting program para matulungan ang mga tsuper at operator na kumita sa kanilang biyahe.

Pinalawig din aniya ang libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3 hanggang Hunyo 30, 2022 na malaking kabawasan sa gastusin ng publiko. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.