Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: Bibirit sa videoke bar mag-face mask

0 225

Pinayuhan ng Malacañang ang mga mahilig mag-videoke na magsuot pa rin ng face mask bilang panangga sa COVID-19 kapag pupunta sa resto bar.

Ito’y matapos ibaba ang Metro Manila sa alert level 2 simula kahapon hanggang Nobyembre 21, kung saan pinapayagan ang 50% capacity sa mga establisimiyento para sa mga bakunado kabilang ang mga videoke bar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kasi bagamat nais nating mabuhay muli ang mga industriya gaya ng karaoke, ayaw naman nating maging super spreader events `yan. So, kung pupuwede, kumanta kayo na may face mask pero hindi naman po `yan requirement kung merong espasyo between sa kakanta at doon sa ibang kasama,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kabilang pa sa mga establisimiyento na pinayagang mag-operate ng hanggang 50% capacity para sa mga bakunadong indibiduwal sa ilalim ng alert level 2 ay ang mga sumusunod: lugar na pinagdarausan ng mga meeting, conference at exhibition, social event, mga tourist attraction, amusement park o theme park, mga internet café, billiard hall, arcade at mga sinehan. (Prince Golez/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.