Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo binutata si Drilon sa pabuya ng mga atleta

0 172

Nilinaw ng Malacañang nitong Sabado na hindi libre sa buwis ang mga perang pabuya at iba pang regalo na matatanggap ni Olympic gold medalit Hidilyn Diaz maliban na lamang kung babayaran ito ng mga donor.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng naging reaksyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kanyang pahayag na marahil ay kailangan magpasa ng bagong batas para ilibre sa buwis ang mga cash prize at iba pang matatanggap na regalo ni Diaz.

Sinita ni Drilon ang pahayag ni Roque at sinabing nakasaad na sa Republic Act No. 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act na libre sa buwis ang mga premyo at gantimpalang ipagkakaloob sa mga atleta.

“While the good senator mentioned Republic Act 10699, or the National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, signed into law in 2015, there is still the donor’s tax, which must be shouldered/paid by generous individuals or entities,” sagot naman ni Roque.

Binanggit pa ni Roque ang pahayag aniya ng BIR na sa ilalim ng RA 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ay nakasaad kung magkano ang babayaran sa buwis ng isang donor.

Sa kabila nito, sinabi ni Roque na dapat lamang kilalanin ng buong bansa ang ipinakitang determinasyon ng mga atleta para mag-uwi ng karangalan para sa sambayanan. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.