Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo: CPP-NPA matutulad sa Nazis

0 246

“Di nila matatakasan ang hustisya.”

Ito ang inaasahang mangyayari ni Presidential spokesperson Harry Roque patungkol sa mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na matutulad aniya sa sinapit ng mga will German Nazis, na inilitis at naparusahan dahil sa kanilang mga krimen na nagawa noong World War II.

Naihayag ito ni Roque matapos mailabas ang mahigit sa 1,500 krimen at mga paglabag sa mga International Humanitarian Law (IHL) ng CPP-NPA-NDF, na ngayon ay kilala na bilang communist terrorist group (CTG).

SM food to go Banner Ad

“I’m sure po na gaya ng mga Nazis na maraming nagtago, yung iba uugod-ugod na e nahuli pa rin sila and 50 years later pinanagot pa rin sila. Kampante po ako na hindi po makakawala sa kanilang mga krimen ang mga CPP-NPA,” sambit ni Roque sa mga media.

Kasunod ang pahayag ni Roque sa pag-aanunsiyo ng Commission on Human Rights (CHR) na iimbestigahan nito ang listahan ng mga paglabag sa IHL na isinumite ng Armed Forces of the Philippines-Center for the Law on Armed Conflict (AFP-CLOAC) sa ilalim ng pamumuno ni BGen. Jose Alejandro Nacnac.

Noong nakalipas na linggo isinumite ni Nacnac kay CHR Commissioner Karen Dumpit ang listahan ng mga krimen kabilang ng daan-daang pagpatay ng CTG sa loob ng nakalipas na sampung taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.