Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo dinikdik uli ABS-CBN sa P1B DBP utang

0 66

Kinuwestyon ng Malacañang ang pagtanggi umano ng ABS-CBN na bayaran ang utang nito sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi makatarungan kung hahayaang hindi bayaran ng ABS-CBN ang pagkakautang nito na aabot ng P1.6 bilyon sa DBP.

“Bakit ang ABS-CBN, hindi naman siya nalulugi noong panahon na ‘yun, binigay lang niya ‘yung asset niya sa SPV dahil ayaw niyang bayaran. At isa sa pinagkakautangan niya, itong gobyernong bangko na DBP,” sabi ni Roque sa virtual press briefing sa Palasyo nitong Huwebes.

Aniya, iba ang kaso ng ABS-CBN dahil hindi naman ito bangkarote noong panahong ang malaking pagkakautang sa DBP ay binenta para sa special purpose vehicle (SPV) o sa financial firm na tinayo para saluhin ang mga `bad loan’ sa mga bangko.

Nauna naman dito ay itinanggi ng DBP noong Enero 19 na binura nila ang P1.6 bilyong utang ng mga kompanyang kontrolado o affiliated sa mga Lopez na naapektuhan ng Asian financial crisis noong 1997.

Ang pautang umano na binigay sa mga Lopez company ay bahagi ng P9.55 bilyong non-performing loan at non-performing assets na sinubasta ng DBP sa dalawang SPV. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.