Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo, DOH: Edad 66 pataas bawal pa gumala

0 213

Bigo pa rin ang mga senior citizen na edad 66 pataas na makalabas at makapasyal sa mall matapos kahit bakunado na matapos tablahin ng Malacañang ang kanilang kahilingan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isinaalang-alang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseas ang peligrong matamaan ng COVID-19 ang mga senior Citizen kapag lumabas sila at mag-mall dahil mabilis silang tamaan ng virus.

Pag-aaralan pa aniya ng IATF kung pagbibigyan ang hirit ni Atty. Romeo Macalintal na payagang makapasok sa mga establisimiyento ang mga senior citizen na edad 66 pataas,

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang suhestiyon kapag fully vaccinated na, well, hintayin po muna natin na talagang tuluyang ma-vaccinate na ang lahat ng ating seniors at pag-aaralan naman natin kung pupuwede na,” ani Roque.

“Ang vaccination hindi po yan 100% guarantee no. Guarantee lang po yan na hindi maoospital o hindi mamamatay dahil sa COVID-19. Pero pagdating kasi sa seniors, hindi natin masasabi dahil karamihan sa seniors mayroon ding comorbidities so kailangan pag-ingatan pa rin po,” dagdag ni Roque.

Maging ang Department of Health (DOH) tinabla rin ang naturang mungkahi na payagang makalabas ang mga senior citizen na edad 66 pataas.

Sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, habang hindi pa nababakunahan ang karamihan sa mga Pinoy ay huwag muna lumabas ang mga senior citizen. (Aileen Taliping/Prince Golez/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.