Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo duda sa tulong na resbak ng US

0 277

Walang tiwala ang Malacañang sa paramdam ng United States, na abisuhan lamang umano sila sakaling hindi na kaya ang problema sa West Philippine Sea (WPS).

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, “Dalawang beses na tayong nawalan ng isla eh hindi naman gumalaw ang Estados Unidos. Ano ang naging mga pronouncement ng Amerika, hindi sila manghihimasok sa pinag-aagawang teritoryo.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binigyang-diin ng kalihim na panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, na malapit sa Amerika, nang makuha ng China ang Panatag Shoal, kasama rin ang Mischief reef.

Sinabi ni Roque na ang Amerika pa ang nagpayo sa Pilipinas na umalis sa binabantayang isla matapos magkaroon ng stand-off sa China na sinunod naman ng Aquino administration kaya nawala ang isla. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.