Abante Tonite Interactive

Palasyo dumipensa: Mga bitbit na artista sa Russia ‘di ginastusan

424

Walang talent fee at hindi binayaran ng gobyerno ang mga bitbit na ­artista sa Russia trip ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap na rin ng puna ng mga netizen at ilang mamamayan dahil sa ilang mga showbiz personality na kasama sa limang araw na biyahe ni Pangulong Duterte sa Russia.

Sinabi ni ­Panelo na ang mga kasamang artista ang aaliw sa mga Pinoy habang hinihintay ang pagdating ni Pangulong Duterte sa pakikipagkita sa Filipino Community sa darating na Sabado sa Moscow.

“Kabilang sa mga nakitang kasama sa Russia trip ng Pangulo ay sina Cesar Montano, Philip Salvador at ang komedyanteng si ‘Moymoy Palaboy’. (Aileen Taliping)