Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Palasyo dumistansiya sa Ateneo, La Salle NPA recruitment

0 220

“I suggest you ask Gen. Parlade because siya ang nagdeklara diyan.”

Ito ang tugon ng Malacañang sa pagkakasama sa De La Salle University at Ateneo De Manila University sa 18 paaralan kung saan nagre-recruit diumano ang New People’s Army (NPA).

Maliban sa La Salle at Ateneo, kasama rin sa listahan ang Far Eastern University at University of Santo Tomas.

Hindi makumpirma o mapabulaanan ng Malacañang ang pahayag ni Parlade dahil wala umano silang access sa impormasyon.

“We have no access to information to confirm or deny what he said, better get the opinion of Gen. Parlade,” ani Spokesman Harry Roque nang tanungin kung sang-ayon ang Palasyo kay Parlade.

Sumunod na tinanong kay Roque kung napagtanto ng Malacañang ang mga panganib ng ‘red-tagging’ o paglalagay ng label sa mga paaralan bilang mga komunista o terorista.

Sagot ni Roque, “I only have authority to speak for the President. There is no overall communication plan on red-tagging. We leave that to the Defense establishment.” (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.