Abante Tonite Interactive

Palasyo happy sa bumabang inflation rate

331

Ikinatuwa ng Malacañang ang naitalang 2.7% inflation rate noong Hunyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na resulta ito ng pagsisikap ng economic managers at Kongreso na mapababa ang inflation kaya naabot ang kanilang target.

Malaki aniya ang naging ambag ng 17th Congress sa mababang inflation dahil sa pagpasa sa mga batas na nakatulong sa pagpapababa sa presyo ng mga bilihin, gaya ng Rice Taraffication Law.

“We are very pleased with the inflation rate because we have slayed the soaring inflation rate. Its now a thing of the past. And we credit the economic managers for doing their jobs splendidly well and we also credit the lawmakers of the last Congress for pas­sing law that stopped it,” ani Panelo.

Batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Autho­rity (PSA), bumaba sa 2.7% ang inflation sa buwan ng Hunyo, mas mababa ito kumpara sa 3.2% noong buwan ng Mayo.

Ang 2.7 % inflation rate ay ang ikalawa sa pinakamababang naitala ng bansa mula noong Setyembre 2017.

Sinabi ni Panelo na sisikapin ng gobyerno na mapanatili ang mababang presyo ng mga bilihin at mga serbisyo para sa mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.

“We will sustain our efforts in stabilizing and maintaining the prices of basic goods and services even as we endeavor to improve the day-to-day living of the Filipino people,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)